vendredi, mai 19, 2006

NASALISIHAN


ni Yoyoy Villame



Noong ako ay paalis
at iyong inihatid doon sa airport

pinabaunan mo ako
ng malamig na halik
o napakalungkot

hindi ako nakatiis
lumuha na lang ako
at tumalikod

pagkat aking naramdaman
pag-ibig ko sa iyo’y
sinusulot

nang ako’y sumakay na
sa eroplanong kay ganda
ika’y tuwang-tuwa

pagkat masusunod mo na
ang lahat ng layaw mo’y
malayang magagawa

sa may bintana ng airplane
bumababay ka sa akin
ay aking nakita

na kaakbay-akbay mo na
ang iyong bagong
sinisinta

CHORUS

lumuha
ako’y lumuha

pagka’t wala na
akong magagawa 2x

nang ako’y naroon na
sa destino kong bansa
pag-asa’y natiis

nang bigla kong natanggap
ang sulat ng ating anak
na panganay natin

at ang sabi niya itay
madalas kami ngayong
di kumakain

pagkat ang nanay ko itay
ay hindi na umuuwi
sa atin
REPEAT CHORUS 2x










Aucun commentaire: