French for halong, kamusta, ano ba atin diyan, mabuhay (bati ito sa airport), tuloy po kayo, etc. Ito ang una kong subok sa mundo ng blogging. Mahilig ako magbasa ng mga ganitong klaseng blogs, pero dehins ko ma-imagine na gagawa rin ako. Nakaka-intimidate ang mga ibang blogs na meron ng tatlong Enero at Disyembre sa kanilang archives. O di-kaya’y mga dalawampung iba pang bloggers na naka-link sa kanilang blogs. Pero ang pinaka-astig sa blogging ay ikaw ang may tanging dito. Kung anuman ang nais mong isulat, wala silang magagawa. Pero siyempre, kailangan mo rin itong gawin ng maayos.
Sabi rin sa akin ng isang kabaro todits sa Paris, medyo mahirap din magkaroon ng ganitong ‘passion’, dahil para mo na ring binuksan ang sarili mong buhay para mabosohan ng ibang tao. Isa kang ‘open book’ ikanga. Amen ako diyan.
Pero hindi libro ang gagamitin kong metaphor, siguro pinagsamang KOMIKS a la HIWAGA at TRAVEL TIME (yung magazine show sa channel 4 hosted by watserneym?) pero ang magiging host ay pinagsamang GABRIEL GARCIA MARQUEZ at BJ da punk ng dating JINGLE magazine.
Kaya niyo ba yon? Kung hindi niyo kayang ma-gets iyon, maliligaw kayo sa blogsite na ito.
Kung mangyari ito, baliktarin ninyo ang kamiseta niyo. Kundi niyo maintindihan itong pinagsasabi ko, hindi na-ikuwento ng mga ermat o erpat niyo ang dapat gawin pag kayo’y naliligaw.
Ngayong naka-baliktad na ang mga LACOSTE imitations niyo, kung naliligaw pa rin kayo, ipapasyal ko kayo sa mundo ng Paris.
|
2 commentaires:
astig! mabuhay ka parisian indio. hinihintay ko na ang mga paris metro iskandalo saklolo kwento mo. ayun, baligtad na tshirt ko, let's goooooo!
salamat sa iyo kala, dalawa na tayong avid reader ng blog ko.
Enregistrer un commentaire