Sa aking pagbabalik mula sa Portugal, isa sa mga pinaka-mainit na topic na inaabangan ng buong bansa ay ang 2006 World Cup na ginanap sa Alemanya noong June 9 nitong taon. Hindi tayo kasali dito.
Para sa aking mga kabarong ignorante, ang World cup ay nagaganap every 4 years. Gaya ng summer olympics. Kung bakit apat na taon ay hindi ko alam. Itanong niyo na lang kay Bong Barrameda, ang trivia king ng Pilipinas.
Iniwi, mabalik tayo sa Portugal. may nakausap akong Brazilian (Flavio) at Portuguese (Fernando). Ang prediction ng dalawa ay Brazil ang magiging kampeon. Hanga ako sa kanilang kaalaman sa isport na ito. Alam nila ang kanilang sinasabi. Sa sobrang 'scholarly' nila, ay medyo masakit nang sabihin nila ang current rating ng aking minamahal na bansang Pilipinas mula sa FIFA (Fédération International de Football Association). Heto ang mga piling bansa sa ratings:
1. Brazil 2. Czech Republic 3. Netherlands 4. Mexico 5. U.S.A. 6. Spain 7. Portugal 8. France 9. Argentina 10. England
18. Japan 19. Germany 20.Greece
92. Singapore
108. Thailand
126. Vietnam 128. Malaysia
133. St. Kitts and Nevis
140. Bangladesh
149. Myanmar
172. Laos
184. Cambodia
191. PHILIPPINES
193. Brunei Darussalam
Nakakalungkot ang kalagayan ng ating national team kung ganitong maaabutan na tayo ng Brunei. Kung ang rating ay baliktad, una pa rin ang Brunei sa atin.
Noong nakaraang SEA Games sa Manila, tinalo natin ang Cambodia, 4-2. Nang sinabi hinirit ko ito kina Flavio at Fernando, sabi nila na baka putol ang mga paa ng mga Cambodians.
Nakakalungkot.
|
3 commentaires:
Number one naman tayo sa sepak takraw!
actually debatable yan kala. noong nasa borneo (malaysian part) ako napasyal ako sa rural areas nila, at bawat kanto doon may naglalaro ng sepak takraw. sa atin makikita mo puro basketball court.
iniwi, dapat may bumuo ng official governing body ng sepak para magka-alaman na kung sino ang ultimate 'sepakers'. kung ang chess may FIDE, football may FIFA, sepak naman ay SIFA.
nga pala! pumunta ka bang Pista sa Paris?
Enregistrer un commentaire